dzme1530.ph

52 PANG OFWs, NAREPATRIATE MULA SA SAUDI ARABIA

Loading

Karagdagang 52 overseas Filipino workers mula sa Riyadh, Saudi Arabia ang na-repatriate.

Winelcome ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Qatar Airways Flight QR928.

Pinagkalooban ng OWWA ng assistance ang mga OFW kabilang ang pagkain, ground and air transportation at temporary shelter gayundin ng financial assistance.

Isinagawa ang repatriation sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia at ng Migrant Workers Office.

About The Author