dzme1530.ph

MGA PINOY SA FRANCE, PINAGHAHANDA NG 72-HOURS NA EMERGENCY KIT

Loading

Pinaghahanda ng Philippine Embassy sa Paris ang mga Pinoy sa France ng 72-hour emergency kit kasabay ng pag-iingat sa gitna ng patuloy na mga nagaganap na protesta.

Ang emergency kit ay bahagi ng regular na hakbang ng pamahalaan ng France upang matiyak ang kahandaan ng publiko sa panahon ng krisis.

Ipinapaalala rin na panatilihing madaling makuha ang mga passport, residence permit at iba pang mahahalagang dokumento.

Pinayuhan din ang mga Pilipino na magtabi ng sapat na cash sakaling hindi magamit ang electronic payment systems, panatilihing bukas ang komunikasyon sa kanilang pamilya at regular na subaybayan ang mga opisyal na alerto ng pamahalaan.

Hinikayat din ang mga Pinoy na alamin at itabi ang mga contact details ng Philippine Embassy at ng mga awtoridad ng France upang madaling makahingi ng tulong kung kinakailangan.

About The Author