dzme1530.ph

PNP, NANGAKONG HINDI MAIIMPLUWENSYAHAN NG PERSONAL NA RELASYON ANG MANHUNT OPERATIONS LABAN KAY SENADOR BATO DELA ROSA

Loading

Nangako ang Philippine National Police na hindi makaiimpluwensya ang personal relationship at dating posisyon ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa pagtugis sa kanya.

Sinabi ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na tinatanggap nila ang hamon ng Malacañang na tiyaking hindi makaaapekto sa manhunt operations ang dating position ni dela Rosa bilang hepe ng pambansang pulisya.

Ipinaliwanag ni Nartatez na dapat manatiling tapat ang mga miyembro ng PNP sa Konstitusyon at sa batas sa halip na sa mga indibidwal na humahawak ng posisyon sa organisasyon.

Kinumpirma rin ng heneral na patuloy silang nakatatanggap ng mga tips sa kinaroroonan ni dela Rosa sa pamamagitan ng kanilang hotlines at patuloy nila itong bina-validate.

Naka-deploy na rin anya ang tracker teams sa buong bansa para sa manhunt operations laban sa senador.

About The Author