![]()
Bumaba ang corn production ng bansa sa third quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng ahensya, umabot lamang sa 2.003 million metric tons ang corn production simula July hanggang September.
Mas mababa ito ng 17% kumpara sa 2.425 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
Gayunman, mas mataas ang latest figure kumpara sa 1.506 million metric tons na na-produce sa second quarter ng 2026.
Iniugnay ng Department of Agriculture (DA) ang pagbaba ng produksyon ng mais sa epekto ng El Niño phenomenon.
