![]()
Hindi naging hadlang ang biglaang pagbabago ng kalaban sa performance ni Filipina tennis star Alex Eala sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa Hong Kong Open.
Pinadapa ng 21-year-old Pinay si Emerson Jones ng Australia, 6-4, 6-3, para makausad sa Round of 16 ng tournament.
Makakaharap sana ni Eala si Alycia Parks subalit nag-withdraw ang American tennis player bunsod ng injury sa balikat, ilang oras bago ang match.
Tinapos ng Pinay tennis sensation ang match sa loob ng isang oras at dalawampu’t tatlong minuto.
Sunod na makakasagupa ni Eala si Tereza Valentova ng Czechia, na nanalo rin sa two sets laban kay Japanese Himeno Sakatsume.
