![]()
Pinatitiyak ni 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez sa LTFRB na hindi maaapektuhan ang mga motorcycle taxi riders sa ipinataw na multa sa Move It platform.
Ito’y kaugnay sa ₱555.75-M na multang ipinataw ng LTFRB sa Move It matapos sumobra ng 17,746 units ang rider-partners nito sa Metro Manila, Cebu City, at Cagayan de Oro City.
Sa record, lumitaw na umabot sa 73,321 rider-partners ang Move It, samantalang 55,575 lamang ang aprubado para dito.
Dahil diyan, pinatawan ng LTFRB ng ₱10,000 penalty per excess rider ang platform, o kabuuang ₱555.75-M para sa 17,746 na sobrang riders.
Nangangamba si Gutierrez, senior vice chairperson ng House Committee on Transportation, na ang mga pasahero ng platform ang magdusa sa multang ipinataw.
Masusing nakikipag-ugnayan ang 1-Rider Partylist sa Move It at LTFRB para sa proteksyon ng mga mananakay at kabuhayan ng mga apektadong riders.
Iginiit nito ang agarang pagsasabatas ng Motorcycle Taxi Bill dahil sa kasalukuyan, nag-o-operate lamang ang motorcycle taxi sa bisa ng Department Order No. 2026-006 ng DOTr at Memorandum Circular No. 2026-048 ng LTFRB.
