dzme1530.ph

‘KAILANGAN KITA’ DREAM MUSICAL NI OGIE ALCASID KASAMA SI REGINE VELASQUEZ, ITINAKDA SA SUSUNOD TAON

Loading

Makalipas ang pitong taong pagpaplano, mapapanood na sa entablado ang dream musical ni Ogie Alcasid, tampok ang mga kanta na kanyang sinulat at inawit sa halos 40 years na OPM career.
 
Makakasama ng singer-songwriter sa “Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical” ang kanyang asawa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez, na nakatakdang buksan sa May 2027 sa Newport Performing Arts Theater.
 
Ginawa ang anunsyo sa pagtatapos ng matagumpay na pagtatanghal ng “Bongga Ka, ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical,” na pinagbidahan ni Atasha Muhlach.
 
Bago umakyat si Ogie sa stage, ipinarinig sa audience ang medley ng kanyang hits, kabilang ang “Kailangan Kita,” “Hanggang Ngayon,” at “Dito sa Puso Ko.”
 
Sa kanyang maikling pahayag, kinumpirma ni Ogie na gagampanan niya ang lead role, at ang kanyang leading lady ay walang iba kundi ang kanyang misis na si Regine.

About The Author