dzme1530.ph

UTANG NG PILIPINAS, PUMALO SA PANIBAGONG RECORD HIGH NA 19.66 TRILLION PESOS

Loading

Naitala sa panibagong historic high na ₱19.66 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Setyembre, na iniugnay sa paghina ng piso.
 
Sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury, mas mataas ang naturang pigura ng 0.27% kumpara sa ₱19.61 trillion na na-record hanggang noong katapusan ng Agosto.
 
Sa year-to-date basis, lumago ang running sovereign debt balance ng 11.03% o ₱1.95 trillion, mula sa ₱17.71 trillion, as of Dec. 31, 2025.
 
Mula sa kabuuang utang, 67.39% ay binubuo ng domestic debt habang 32.61% ang external obligations.

About The Author