dzme1530.ph

BILANG MGA NASAWI SA EBOLA OUTBREAK SA DR CONGO, SUMAMPA NA SA MAHIGIT 5K

Loading

Sumampa na sa mahigit limang libong indibidwal ang nasawi sa nagpapatuloy na Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.
 
Batay sa datos mula sa pamahalaan, walo mula sa dalawampu’t anim na probinsya ang apektado na ng virus, kung saan 10,300 ang kumpirmadong kaso.
 
Sinabi ng public health officials noong Agosto na ang outbreak na nagsimula noong Mayo ay itinuturing na deadliest sa kasaysayan, na ang kasalukuyang case fatality rate ay 48.6%.
 
Sa latest update, inihayag ng Health Ministry na nananatili ang Ituri Province bilang sentro ng epidemya, na isang conflict zone kaya mahirap makontrol ang virus.

About The Author