dzme1530.ph

KINUMPUNING PASIG BLVD-C5 FLYOVER AT C5 BONI SERRANO FLYOVER, MULING BUBUKSAN SA PUBLIKO MAMAYANG GABI

Loading

Nakatakdang buksan muli sa publiko mamayang gabi, Nov. 2, ang Pasig Boulevard-C5 Flyover at C5 Boni Serrano Flyover, mas maaga ng isang araw kumpara sa orihinal na plano.
 
Ang maagang pagkumpleto sa repair works sa dalawang flyover ay alinsunod sa kautusan nina Public Works Secretary Giovanni Lopez at Transportation Secretary Vince Dizon.
 
Pinabilisan ng dalawang kalihim ang pagkukumpuni bunsod ng matinding trapik, lalo na ngayong Undas na marami ang bumibiyahe sa mga naturang lugar.
 
Magiging accessible muli ang C5 Boni Serrano Flyover northbound at Pasig Blvd-C5 Flyover northbound simula mamayang gabi, habang ang southbound ng Pasig Blvd-C5 Flyover ay bubuksan bukas ng alas-kuwatro ng madaling araw.

About The Author