dzme1530.ph

MRT-3, MAGDARAGDAG NG TREN DAHIL SA INAASAHANG PAGDAGSA NG MGA PASAHERONG MAGBABALIK SA METRO MANILA

Loading

Magdaragdag ng mga tren ang Metro Rail Transit o MRT Line 3 ngayong araw na ito dahil sa inaasahan pang pagdagsa ng mga pasaherong magbabalik sa Metro Manila matapos ang Undas break.
 
Ayon sa MRT-3 management, 19 trains ang kanilang ide-deploy upang ma-accommodate ang dami ng mga commuters bilang paghahanda rin sa pagbabalik sa regular work at school activities.
 
Ang deployment na ito ay mas mataas sa 14 na train tuwing non-peak hours at 16 naman kapag peak hours.
 
Bahagi ito ng pagtiyak ng maayos na passenger movement matapos ang Undas break.

About The Author