dzme1530.ph

VISAYAS GRID, MULING ILALAGAY SA RED AT YELLOW ALERT STATUS

Loading

Muling ilalagay sa red at yellow alert status ang Visayas Grid ngayong araw ng Huwebes.
 
Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, epektibo ang red alert mula 5 PM hanggang 6 PM.
 
Yellow alert naman mula 3 PM hanggang 5 PM at 6 PM hanggang 9 PM.
 
Sa datos ng NGCP, ang Visayas Grid ay may available capacity na 2,408 megawatts habang ang peak demand ay 2,555 megawatts.
 
Kinumpirma rin ng NGCP na sampung planta ang nag-forced outage ngayong buwan ng Oktubre.

About The Author