dzme1530.ph

PAG-UUSAP KAUGNAY SA PAPALIT KAY VP SARA DUTERTE, PREMATURE AT DISTRACTION LAMANG SA MGA MAHAHALAGANG ISYU

Loading

Premature at maituturing na distraction sa mga seryosong isyu ang usapin kaugnay sa posibleng papalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ma-convict siya sa impeachment case.
 
Ito ang iginiit ng tagapagsalita ni VP Sara na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. sa pagsasabing dapat nakapokus sa mga tanong kaugnay sa pagiging patas ng Senate Impeachment Court gayundin sa constitutionality ng conviction threshold at umano’y due process violations.
 
Kinuwestyon ni Panelo ang impartiality ng mga senador na nagsisilbing hukom, partikular ang mga nahaharap o nanganganib na makasuhan ng plunder at iba pang criminal charges.
 
Ipinaalala pa ni Panelo ang resulta ng Social Weather Station survey noong September 21 hanggang 27 na nagsasabing 28% lamang ng mga Pinoy ang may tiwala na maglalabas ng fair judgment ang impeachment court.
 
Muli rin niyang pinuna ang tugon ng mayorya ng senador sa withdrawal ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment.
 
Iginiit pa ni Panelo na ang pagpapalit sa bise presidente ay hindi magreresolba sa most urgent crises sa bansa tulad ng inflation at ang lumalalang Super El Niño na nagbabanta sa food security gayundin ang mabagal na economic growth.

About The Author