dzme1530.ph

MALABON CITY GOVERMENT, MAGPAPATUPAD NG REROUTING SCHEME SA MGA LUGAR MALAPIT SA MGA SEMENTERYO

Loading

Magpapatupad ng rerouting scheme sa ilang bahagi ng Malabon City sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga dadalaw sa mga sementeryo ngayong Undas.
 
Sa traffic advisory ng Malabon City Government, epektibo ang rerouting mula October 30 hanggang November 2, 2026.
 
Magtatalaga ng mga lugar para sa parking ng mga sasakyan at rerouting sa paligid ng Everlasting Peace and Lourdes Cemetery, Bayan Cemetery at Tugatog Cemetery.
 
Sa P. Aquino Street, kung saan matatagpuan ang Everlasting Peace and Lourdes Cemetery, walang isasarang kalsada subalit pinapayuhan ang publiko na sundin ang mga regulasyon sa trapiko.
 
Sa Bayan Cemetery, ipatutupad ang alternative routes kung saan pinapayuhang dumaan sa Tonsuya Bridge patungong Malabon Central Market, kumaliwa sa General Luna St. at kumaliwa sa Sacristia Street.
 
Sa Tugatog Cemetery, pinapayuhan ang mga pribadong sasakyan na dumaan mula sa M.H. Del Pilar St., kumaliwa sa Plata St., kumaliwa sa Aluminio St. at kumaliwa sa Lascano St. hanggang makalabas sa C-4 Road.
 
Para naman sa mga pampasaherong sasakyan, maaaring kumaliwa sa Comercio St. mula M.H. Del Pilar St., kumaliwa sa Honradez St. at kumaliwa muli sa Inocencia St. upang makabalik sa dating ruta.
 
Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe, sundin ang mga traffic sign at makipagtulungan sa mga traffic enforcer upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa paligid ng mga sementeryo.

About The Author