![]()
Pangungunahan ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Joey Salceda ang pag-uusap para maisabatas ang Philippine Budgeting Code.
Inisyatiba ito ni Salceda matapos ilabas ng Korte Suprema ang ruling kaugnay sa Unprogrammed Appropriation (UA).
Unang hakbang, ayon kay Salceda, ay kausapin ang DBM, Congress at iba’t ibang gov’t agencies para pag-usapan ang Phil. Budgeting Code.
Isa itong comprehensive reform for national budget process na matagal na nitong ina-advocate kahit nung nanunungkulan pa ito bilang kongresista.
Welcome kay Salceda ang ruling ng Supreme Court, partikular sa pagkilala na ang UA ay hindi talaga “inherently unconstitutional,” kundi “legitimate instrument sa fiscal management na subject to constitutional limits at safeguards.”
Welcome din sa PLLO ang ruling kung saan hindi pinapanagot si PBBM sa posibleng grave abuse of discretion.
Pinasalamatan din ni Salceda ang korte sa pag-imbita sa kanya bilang “amicus curiae o friend of court” nang pinag-uusapan ang isyu sa Unprogrammed Appropriations.
