dzme1530.ph

KALIGTASAN NG MGA PASAHERO SA NAIA AT IBA PANG TRANSPORT TERMINALS NGAYONG UNDAS, IPINATITIYAK

Loading

Pinatitiyak ni Senate Committee on Public Services Chairman Raffy Tulfo ang kaligtasan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong panahon ng Undas.

Binigyang-diin ni Tulfo na tinatayang nasa 1.25 million na mga pasahero ang daraan sa NAIA sa panahon ng Undas.

Mahalaga anyang matiyak na sapat ang seguridad ng mga pasaherong bibiyahe, lalo’t ilang insidente ang naitala sa paliparan.

Tinukoy ni Tulfo ang kamakailang insidente na kinasangkutan ng isang French national na nanakawan ng luggage na naglalaman ng tatlong luxury watches na nagkakahalaga ng ₱15 million habang naghihintay ito sa pick-up area ng paliparan.

Nababahala ang senador sa kaligtasan ng milyun-milyong pasahero kung nakakapasok sa loob ng NAIA ang mga kawatan.

Ikinaalarma rin ng mambabatas ang pagkakaharang sa Laos ng 521 kg na shabu na nagkakahalaga ng ₱3.54 billion, na lulan ng private jet na patungo sana sa Manila noong October 1.

Nababahala si Tulfo dahil inaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang flight permit ng aircraft. Kung hindi ito naharang sa Laos, posibleng nakapasok sa Pilipinas ang mga iligal na droga.

About The Author