dzme1530.ph

NBI, INAKUSAHAN NG HARASSMENT NG DATING TAUHAN NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Loading

Inakusahan ni dating Davao City Chief Information Officer Jeffrey Tupas ng harassment ang National Bureau of Investigation.
 
Ito ay makaraang irekomenda ng NBI ang paghahain ng kaso laban kay Tupas sa Department of Justice.
 
Sinabi ni Tupas na pure and simple harassment lamang ang ginagawa ng NBI.
 
Una nang inirekomenda ng NBI na sampahan ng kasong cyberlibel, obstruction of justice at publication of false news si Tupas.
 
May kinalaman ito sa sworn statement na isinumite ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.
 
Sa testimonya ni Gracioso, sinabing si Tupas ang tumanggap ng cash delivery para kay Vice President Sara Duterte.
 
Ang cash delivery ay batay sa atas ni dating House Speaker Lord Allan Velasco. | via Dang Samson-Garcia, ME Radio TV
 
Para sa iba pang mga balita, bisitahin ang https://dzme1530.ph/
 
#MERadioTV #DZMERadyoTV #1530khz

About The Author