![]()
Ilalagay sa Code White Alert Status ng Department of Health ang lahat ng pagamutan at response team sa Metro Manila para sa Undas.
Ayon sa DOH-Metro Manila Center for Health Development, ipatutupad ang alert status mula October 31 hanggang November 2.
Ito ay upang matiyak ang kahandaan sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng mangangailangan ng agarang tulong medikal.
Saklaw ng paghahanda ang mga ospital at health emergency response team ng 17 local government units sa National Capital Region.
Mananatili ring nakaantabay ang kanilang operations center upang mapabilis ang koordinasyon at pag-uulat ng mga insidente.
