dzme1530.ph

51 Pinoy evacuees mula sa Sudan, nakarating na sa Egypt —DFA

Kinumpirma ni Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza na nakarating na sa Egypt ang 51 Filipino evacuees.

Ayon kay Daza matagumpay na nakatawid sa border mula Khartoum ang mga Pilipino sa pakikipagtulungan ng Embahada at Philippine Consulate kung saan sinalubong sila ni Ambassador Ezzedin Tago.

Ang mga nailikas na Pinoy ay bahagi ng unang batch sa nakatakdang repatriation sa mga Filipino na apektado ng kaguluhan sa Sudan.

Ayon kay Daza inaasahan ang maraming bus na sasakyan ng mga Filipino evacuees.

Matatandaang nasa 350 mula sa 740 kabuuan na mga Filipino mula Sudan ang humihiling ng repatriation pauwi ng Pilipilipas.

About The Author