dzme1530.ph

Truck na kargado ng graba, tumagilid sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo, 3 katao sugatan

Sugatan ang tatlong indibidwal makaraang tumagilid ang isang truck na kargado ng graba, sa Far East Asia Village, Barangay Mayamot, sa kahabaan ng Marcos Highway.

Sa video na ibinahagi ni PLain Adlawan, mag a-alas-4 kahapon nang mawalan ng kontrol habang paliko ang trak saka tuluyang tumagilid, at kumalat sa kalsada ang karga nitong mga graba.

Nagdulot din ng pagsikip ng trapiko sa lugar ang naganap na aksidente.

Ayon sa Travel Advisory na naka-post sa Facebook page ni Antipolo Mayor Jun Ynares, agad rumesponde ang Antipolo rescue teams sa lokasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.

Nabatid na dalawang pasyente ang dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina, habang ang isa nama’y dineretso sa Antipolo City Hospital System Annex IV sa mambugan upang mabigyan ng atensiyon-medikal.

About The Author