dzme1530.ph

DATING DPWH ENGINEER, KINUMPIRMA ANG ILANG PERSONALIDAD NA PROPONENT NG MGA KWESTYONABLENG FLOOD CONTROL PROJECTS

Loading

Sumalang sa bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez ang isang engineer na tauhan ni dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.

Sa pagdinig, kinumpirma ni Carlo Rivera, dating tauhan ni Alcantara, na siya ang naghanda noon ng consolidated list ng mga proponents ng flood control projects.

Kasama aniya sa listahan sina dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Nang tanungin naman siya kung hindi nakasama sa listahan si Romualdez bilang proponent ng mga proyekto, agad itong kinumpirma ni Rivera.

Ang bail hearing ay may kaugnayan sa kasong plunder ni Romualdez hinggil sa ₱7.4 billion na umano’y kickback sa mga proyekto ng gobyerno.

About The Author