![]()
Tinulutan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng prosekusyon sa kanyang kaso sa International Criminal Court na tanggapin ang dalawa pang testigo nang hindi na kailangang mag-testify sa korte.
Hiniling ng defense team ni Duterte sa ICC Trial Chamber 3 na ibasura ang aplikasyon ng prosekusyon para sa recorded testimonies ng mga testigong tinukoy bilang P-1393 at P-1416.
Iginiit ng depensa na kailangang marinig sa korte ang testimonya ng dalawang testigo at maisalang sila sa cross-examination.
Ayon sa prosekusyon, ang recorded statement ni Witness P-1393 ay may kinalaman sa quota sa mga pulis ng mga papataying may kinalaman sa droga bago makuha ang kanilang kabayaran na matatanggap sa mga punerarya kung saan nila ide-deliver ang bangkay.
Ang testimonya naman ni Witness P-1416 ay may kinalaman sa umano’y polisiya sa pag-neutralize ng mga kriminal.
