![]()
Makakaharap ni Filipina tennis ace Alex Eala ang kapwa young star na si Diana Shnaider ng Russia sa unang pagkakataon sa WTA Tour sa second round ng Ningbo Open sa China, kung saan ang paglalabanan nila ang quarterfinals spot.
Nakausad ang 21-year-old Pinay tennis sensation sa next round matapos ilampaso si Diane Parry ng France sa Round of 32 noong Lunes, habang pinadapa ng World No. 13 na si Shnaider si Yulia Putintseva ng Kazakhstan.
Sa nagdaang Wuhan Open, umabot ang bente dos anyos na Russian tennis player sa quarterfinals bago nabigo kay Jelena Ostapenko ng Latvia, habang maagang lumabas sa naturang torneo ang Pinay tennis star.
Itinakda ang match sa pagitan nina Eala at Shnaider bukas ng ala una ng hapon, oras sa Pilipinas.
