dzme1530.ph

PAGBIBIGAY NG CLIMATE HAZARD PAY SA MGA MANGGAGAWANG MAAAPEKTUHAN NG SUPER EL NIÑO, IGINIIT

Loading

IGINIIT ni Senador Loren Legarda ang pangangailangang magbigay ng climate hazard pay sa mga manggagawa na maaapektuhan ng very strong o Super El Niño.
 
Inirekomenda rin ni Legarda ang pagbibigay ng ayuda sa mga mangingisda at magsasaka na maaapektuhan ng matinding init ang kabuhayan.
 
Binigyang-diin ng naka-medical leave na mambabatas na hindi sapat na pairalin lang ang “think positive” attitude dahil ang sitwasyon ay nangangailangan ng konkreto, mabilis at science-based na mga aksyon.
 
Sa climate hazard pay, iminumungkahi na bigyan ang mga magtatrabaho outdoor kahit 42 degrees Celsius ang temperatura—pero dapat may option na ilipat ang oras ng trabaho sa oras na hindi masyadong mainit.
 
Batay naman sa mungkahi ng grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA, inirekomenda ang subsidiya sa hindi makakapalaot dahil sa matinding init, habang conditional cash transfers o ayuda para sa mga magsasaka na lilipat sa pagtatanim ng mga halamang puwede sa panahon ng tag-init at limitadong irigasyon.
 
Iginiit din na magtayo ng public cooling centers gaya ng barangay halls kung saan puwedeng sumilong at makainom ng tubig, at pamamahagi sa low-income communities ng elastomeric paint para mabawasan ang init sa mga bubong ng bahay.

About The Author