dzme1530.ph

CUP OF JOE, HUMIHIRIT NG NOMINASYON SA 2027 GRAMMYS SA PAMAMAGITAN NG “SANDALI”

Loading

Nakiisa ang Cup of Joe sa Filipino artists na humihirit para mapabilang sa mga nominado sa 2027 Grammys.
 
Isinumite ng Pinoy alternative rock band ang kanilang kantang “Sandali” bilang entry sa Best Asian Pop Performance category.
 
Sa kanilang social media pages, pinasalamatan ng five-piece act ang kanilang fans na binansagang “Joewahs” dahil sa kanilang patuloy na suporta.
 
Iba’t ibang artists ang nauna nang nagsumite ng kanilang entries for consideration para sa 69th Grammy Awards.
 
Kabilang na rito ang SB19, BINI, Ben&Ben, at si Maymay Entrata.
 
Ia-anunsyo ang nominees sa 2027 Grammys sa Nov. 16, tatlong buwan bago ang awards ceremony na itinakda sa Feb. 7, 2027.

About The Author