![]()
Naghain si dating Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ng ₱90,000 na piyansa sa Sandiganbayan 7th Division.
Kaugnay ito sa 1 count of graft dahil sa umano’y conflict of interest na kinasasangkutan ng infrastructure projects.
Kinumpirma ng Clerk of Court Office ng korte na naglagak ng piyansa si Gonzales noong Sabado.
Nahaharap din ang dating kongresista sa dalawa pang counts of graft sa Second at Third Divisions.
Noong Biyernes ay isinampa ng Ombudsman ang three counts of graft sa Sandiganbayan laban kay Gonzales bunsod ng pagkakasangkot ng kumpanya nitong A.D. Gonzales Construction habang nakaupo bilang congressman.
