![]()
Palalakasin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa colorum delivery services.
Sinabi ni LTFRB Acting Chairperson Greg Pua Jr. na na-consolidate na nila ang lahat ng legal na pundasyon ng kanilang kampanya laban sa colorum delivery services.
Ito, aniya, ay upang matiyak na lahat ng kaso na kanilang isasampa ay airtight at may mataas na assurance of conviction.
Idinagdag ni Pua na target ng crackdown ang mga operator na nagbibigay ng delivery services para sa online shopping platforms nang walang required permits, kasunod ng mga reklamo mula sa mga lehitimong service operators.
