dzme1530.ph

PINAY TENNIS STAR ALEX EALA, BUBUKSAN ANG KAMPANYA SA NINGBO OPEN LABAN KAY WORLD NO. 32 DIANE PARRY

Loading

Nakatakdang umpisahan ni Filipina tennis star Alex Eala ang kanyang kampanya sa Ningbo Open laban kay World No. 32 Diane Parry ng France.
 
Inaasahang magsisimula ang main draw ng Ningbo Open sa China ngayong Lunes, subalit hindi pa inaanunsyo ang official match schedule ni Eala.
 
Ang 24-year-old na French player ay mayroon nang WTA singles title matapos manalo sa WTA 500 Monterrey Open sa Mexico noong Agosto.
 
Umaasa naman ang 21-year-old Pinay tennis sensation na makakabawi mula sa kampanya kamakailan sa Wuhan Open, kung saan kinapos si Eala sa Round of 64 laban kay Han Shi ng China.

About The Author