dzme1530.ph

CASH ON DELIVERY, NANGUNGUNA PA RING PARAAN NG PAGBABAYAD SA ONLINE SHOPPING SA PILIPINAS

Loading

Inaasahang mananatili ang Pilipinas bilang last major market sa Southeast Asia, kung saan ang cash-on-delivery accounts ay mahigit one-fifth ng online purchases sa 2027.

Ito, ayon sa financial technology firm na Xendit, ay sa kabila ng patuloy na mabilis na paglago ng digital payments.

Sa kanilang E-Commerce Payments Momentum Report, 23% ng e-commerce transactions value na ipinroseso sa pamamagitan ng Philippine platform ng Xendit ay COD pa rin.

Ito ang pinakamataas na share sa lahat ng anim na Southeast Asian markets na kasama sa report, kung saan sinurvey ang 6,000 online shoppers, kabilang ang isanlibong Pilipino.

About The Author