![]()
Sinegundahan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang assessment ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa komento ni Chinese Ambassador Jing Quan.
Ito ay sa pagsasabing ang pahayag ni Jing tungkol sa paggamit ng puwersa ay isang banta na ang layunin ay sindakin ang Pilipinas.
Idinagdag ni Teodoro na pinag-aaralan ng defense officials ang statements ng Chinese Ambassador, kasabay ng pagbasura sa posibilidad na “misspoken” lamang si Jing.
Iginiit ng Defense chief na banta ang binitawan ni ambassador at hindi basta nadulas lamang ito sa pagsasalita.
Kahapon ay sinabi ni Jing na madaling talunin ng China ang Pilipinas kung gagamitan nila ito ng puwersa.
