![]()
Nagbabala si Department of Budget and Management Acting Secretary Kim Robert De Leon sa mga ahensya ng gobyerno laban sa walang kapararakan na paggastos.
Tinukoy ni De Leon ang mga year-end activity na pinalilitaw na official planning session bago matapos ang taon.
Sa gitna anya ito ng nakagawian ng ilang ahensya na gumagawa ng mga aktibidad bago matapos ang taon upang madagdagan ang kanilang budget utilization rates.
Binanggit ni De Leon ang mga parties na ginagawa sa mga hotel at idinedeklarang planning session para lang bigyang-katwiran ang paggamit ng kanilang pondo.
