![]()
“Pure fiction at fairy-tale lie.”
Ganito inilarawan ni Davao Representative Paolo Duterte ang alegasyon ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. hinggil sa cash delivery sa kanila.
Sinabi ni Polong ang pagtanggi sa kanyang affidavit na isinumite sa National Bureau of Investigation, kahapon.
Sinabi ng kongresista na hindi niya personal na kilala si Gracioso at wala siyang natatanggap na anumang pera o maleta mula sa kanya, sa Davao man o sa ibang lugar.
Kasabay nito, nagsumite rin ang kampo ng mambabatas ng jurisdictional challenge sa awtoridad ng NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ni Gracioso.
Nanindigan si Polong na walang kapangyarihan ang NBI na imbestigahan ang isyu dahil ang saklaw lang nito ay mga krimen.
