![]()
Aprubado na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed ₱7.2-trillion national budget para sa fiscal year 2027 sa ilalim ng House Bill No. 10858.
Inaprubahan ang House version ng General Appropriations Bill (GAB) sa pamamagitan ng 281 yes votes, 13 ang kumontra, at isang abstention.
Noong Huwebes ay ipinasa ng Kamara ang kanilang bersyon ng GAB sa second reading, kung saan binigyang-diin ang pagiging “people-centered” at “Super El Niño-ready” ng proposed national budget.
Gayunman, kinuwestiyon pa rin ng ilang mambabatas ang budgetary changes, kabilang ang umano’y “lack of transparency” sa pagbabagong ginawa ng Budget Amendments Review Subcommittee.
