![]()
Kabilang ang SB19 at BINI sa leading contenders sa 11th PPOP Music Awards, na nakakuha ng multiple nominations sa major categories.
Nominated ang dalawang grupo para sa Artist of the Year, at kapwa nakatanggap ng additional nominations sa music video production at performance-related categories.
Tumanggap naman ng nominasyon ang SB19 para sa Song of the Year para sa “VISA” at “LAWLESS” habang na-nominate din sa kaparehong kategorya ang “BLUSH” ng BINI.
Samantala, nominado rin ang P-pop acts na G22, KAIA, ALAMAT, at BGYO sa iba’t ibang categories.
Habang ang singer-actors na sina James Reid at Wilbert Ross ay nominated para sa Solo Artist of the Year.
Ang mga mananalo sa main categories, pati na ang mga makatatanggap ng special awards, ay iaanunsyo sa Oct. 18 ceremony sa The Big Dome.
