![]()
NAGPAHIWATIG si Senador Raffy Tulfo na mayroon pang senador ang posibleng lumipat sa Senate Majority Bloc matapos ang tuluyang pagtalon ni Senador Mark Villar.
Sinabi ni Tulfo na sa kanyang paniniwala ay madaragdagan pa ang kanilang membership subalit hindi muna niya sasabihin kung sino ang lilipat dahil baka maunsyami.
Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto III na malaking tulong sa kanila ang paglipat ni Senador Mark sa kanilang hanay.
Ipinaliwanag ni Sotto na sa dami ng trabaho nila ngayon ay mas magandang lumaki ang kanilang hanay.
Isa sa maugong na posibleng tumalon sa majority bloc ay si Senador Loren Legarda.