![]()
Pinuri ni Senator Bam Aquino ang 447-kataong delegasyon ng Pilipinas at lahat ng atletang Pilipinong nagkamit ng medalya sa katatapos na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ito’y makaraang makamit ang pinakamalaking bilang ng medalya ng bansa sa quadrennial meet sa loob ng anim na dekada.
Ayon kay Aquino, ipinapakita ng mahusay na performance ng bansa ang pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pagsuporta sa grassroots sports development, pagsasanay ng mga atleta, mga pasilidad para sa sports, coaching, at mga support program upang mabigyan ng mas maraming Pilipino ng pagkakataong matuklasan, mapaunlad, at maipamalas ang kanilang mga talento sa pambansa at pandaigdigang antas.
Sa kanyang Senate Resolution No. 702, pinuri ni Aquino ang Philippine team sa pag-uwi nito ng 29 medals na kinabibilangan ng 4 golds, 9 silvers, at 16 bronzes — sa iba’t ibang sports sa paligsahang ginanap mula Sept. 19 hanggang Oct. 4, 2026.
Ang kabuuang medal tally ng bansa ang pinakamalaki mula nang makakuha ito ng 42 medals sa 1966 edition ng Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Kabilang sa gold medalists sina Carlos Yulo para sa men’s vault at floor exercise sa artistic gymnastics; EJ Obiena sa men’s pole vault; at Jesus Gabriel Derick Yape sa mixed individual virtual taekwondo.
