![]()
Kinumpirma ng Kenya ang kauna-unahang kaso ng Ebola, na isang Kenyan citizen na nanirahan sa Democratic Republic of Congo sa nakalipas na pitong taon.
Sinabi ni Health Minister Aden Duale na namatay ang pasyente ilang araw matapos dumating sa kabisera ng bansa na Nairobi, matapos magkasakit noong nakaraang buwan at ginamot sa iba’t ibang ospital sa DR Congo.
Aniya, pagdating sa Kenya ay sumailalim ang pasyente sa normal public screening sa main airport sa Nairobi bago inilipat ng isang kamag-anak sa isang ospital sa lungsod.
Mahigit apat na libong katao na ang nasawi sa Ebola sa DR Congo ngayong taon, na ikalawang most deadly outbreak ng naturang virus.
