![]()
Humihirit ang Department of Agriculture (D-A) ng 300 million pesos na pondo para palawakin ang produksyon ng ube ng 1,000 hectares upang maabot ang tumataas na global demand sa purple root crop.
Sa ilalim ng proposed funding, 850,000 pesos per hectare ang ilalaan para sa farm development, support facilities at production, na ang unang harvest ay target sa Nobyembre.
Ayon sa D-A, sampung ube varieties ang tinukoy para sa large-scale production.
Hiniling din ng ahensya na pabilisin ang supply ng planting materials sa pamamagitan ng miniset propagation, tissue culture at single-leaf nodal cuttings.
