dzme1530.ph

STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA SA 106 NA LALAWIGAN

Loading

Idineklara ang state of calamity sa 106 na lalawigan dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga ito ay mula sa limang rehiyon na kinabibilangan ng Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, SOCCSKSARGEN at CARAGA.

Batay sa report ng NDRRMC, 39 na wild, forest at mountain fire incidents na ang naitala sa CARAGA.

Apat na lungsod at munisipalidad ang nakaranas na rin ng water supply interruptions habang 33 localities ang napilitang magsuspinde ng klase sa rehiyon.

Sa buong bansa, umaabot na sa 104,149 families o 388,375 individuals ang apektado ng El Niño partikular sa Cagayan Valley, Bicol, CALABARZON at CARAGA.

Naitala naman sa ₱5.56 billion ang agricultural damage at production losses.

About The Author