dzme1530.ph

ZANJOE MARUDO, INANUNSYO NA BUNTIS ANG MISIS NA SI RIA ATAYDE SA IKALAWANG PAGKAKATAON

Loading

Ibinahagi ng aktor na si Zanjoe Marudo ang masayang balita na buntis ang kanyang misis na si Ria Atayde sa kanilang Baby No. 2.
 
2 years old na ang kanilang panganay na anak na lalaki na si Marcel Sabino.
 
Hindi naman tinukoy ni Zanjoe kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ng kanyang misis, subalit nangakong sasabihin niya ito kapag sigurado na siya sa bilang.
 
Sinabi rin ng aktor na kahit babae o lalaki ulit ang kanilang anak ay masaya siya dahil magkaka-baby ulit sila ni Ria.
 
Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Zanjoe sa pagbubuntis ni Ria, subalit pinuri niya ang pagiging hands-on mom ng misis.

About The Author