dzme1530.ph

MGA PROYEKTO NA NASA ILALIM NG 2027 BUDGET, TINIYAK NG HOUSE COMMITTEE ON APPROPRIATIONS NA MASUSING SINURI

Loading

Binigyang-diin ni House Committee on Appropriations Chairperson Mikaela Suansing na dumaan sa iba’t ibang layers ng review ang mga proyekto sa proposed 2027 National Budget.

Sa gitna ito ng concerns na inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian kaugnay ng umano’y “red-flag” items.

Sinabi ni Suansing na limang dokumento para sa proyekto ang ni-require ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para makasama sa 2027 National Expenditure Program (NEP).

Kinabilangan aniya ito ng Certificate of Implementability and Feasibility, Actual Program of Works, Budget Preparation Form 202, approval mula sa Regional o Municipal Development Council, at geotagging.

Pinanghahawakan aniya nila ang salita ng DPWH at ng Department of Budget and Management (DBM) na sumailalim ang mga proyekto sa tamang pagsusuri bago mapabilang sa NEP.

Idinagdag ni Suansing na panibagong layer ng review ang isasagawa ng House panel bago maisama ang projects sa House General Appropriations Bill.

About The Author