dzme1530.ph

PAG-ATAKE SA DUBAI-TEL AVIV FLIGHT, MASYADO PANG MAAGA PARA IUGNAY SA IRAN, AYON SA ISRAELI PRIME MINISTER

Loading

Masyado pang maaga para sabihin na may kinalaman ang Iran sa pag-atake ng co-pilot na sumaksak sa piloto at tinangkang kumanderin ang flight mula Dubai patungong Tel Aviv, ayon sa Prime Minister ng Israel.
 
Bumulusok ang flydubai plane ng mahigit 17,000 feet sa dalawang oras nitong biyahe, bago nakorner ng mga pasahero at crew ang attacker at nakuha muli ang kontrol at ligtas na nakalapag ang eroplano.
 
Tinawag naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na “true hero” ang sinaksak na Indian pilot na si Captain Smit Machchhar na ngayon ay stable ang kondisyon sa ospital.
 
Sinabi ni Netanyahu na inaasahang ililipat ang attacker na inaresto sa Saudi Arabia sa United Arab Emirates (UAE) kung saan nanggaling ang eroplano

About The Author