dzme1530.ph

RULING NG KORTE SUPREMA NA KUMIKILALA SA QUORUM NG SENADO SA PAGLUKLOK KAY WIN GATCHALIAN BILANG LIDER, PATUNAY NA NAAYON SA BATAS ANG AKSYON

Loading

PINATUNAYAN ng ruling ng Korte Suprema na ipinaglaban ng Senado ang nararapat nilang aksyon alinsunod sa Konstitusyon nang putulin nila ang deadlock noong June 3 at palitan ang kanilang liderato para maipagpatuloy ang pagtupad sa kanilang tungkulin.
 
Una nang ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petisyon na kumukuwestiyon sa sesyon ng Senado noong June 3, 2026.
 
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na natanggap na nila ang abiso tungkol sa resolusyon ng Korte Suprema.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na walang nakitang batayan ang Korte para kuwestiyunin ang pagdaraos ng sesyon noong June 3 at naaayon ito sa batas.
 
Iginiit ni Gatchalian na alinsunod sa Konstitusyon at itinatag na jurisprudence ang sesyon ng Senado noong June 3, upang matiyak na patuloy na gagana ang Kongreso.
 
Ayon pa sa Senate President, ang mga proceeding noong araw na iyon ay isinagawa rin alinsunod sa mga umiiral na tuntunin at precedent ng Senado.
 
Sinabi ni Gatchalian na responsibilidad ito ng lahat ng miyembro ng Senado at magpapatuloy sila sa pagganap sa tungkulin nito bilang isang institusyon.
 
Binigyang-diin din niya na iginagalang nila ang Korte Suprema at ang inilabas nitong resolusyon.

About The Author