dzme1530.ph

DPWH CHIEF, NANINDIGANG WALANG COVER-UP SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS SA TAGUIG

Loading

Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang mga pahiwatig na pinagtatakpan niya ang umano’y mga iregularidad sa infrastructure projects sa Taguig City, sa pagsasabing ongoing pa ang imbestigasyon sa mga proyekto.

Binigyang-diin ni Dizon na hinding-hindi niya papayagan na magkaroon ng cover-up, at kung saan aniya papunta ang ebidensya ay iyon ang kanilang susundan.

Idinagdag ng kalihim na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pinanindigan ito, at kahit ang sarili nitong pinsan ay nakakulong ngayon, kaya kailangan ay sumunod sila sa leader.

Ginawa ng DPWH chief ang pahayag, isang araw matapos magbabala si Sen. Panfilo Lacson na anumang pagtatangka na pagtakpan ang mga anomalya sa infrastructure projects sa Taguig ay maaaring maglantad sa mga sangkot sa criminal liability.

About The Author