dzme1530.ph

PANUKALANG BUDGET NG DPWH, DARAAN PA SA MASUSING PAGBUSISI NG SENADO

Loading

TINIYAK ni Senate President Sherwin Gatchalian na patuloy na susuriing mabuti ng Senado ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga proyektong may “red flag.”
 
Sinabi ni Gatchalian na bagama’t maraminang reporma ang naipatupad marami pa ding nakakalusot sa kanilang pagbusisi.
 
Ito ay matapos isiwalat ng senador na batay sa pagsusuri ng kanyang tanggapan, natuklasang 7,107 sa 11,395 na mga proyektong pang-imprastraktura na iminungkahi sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP) ang namarkahan ng kahit isang red flag sa iba’t ibang dahilan.
 
Ang mga proyektong ito ay may kabuuang alokasyon na P455 bilyon sa ilalim ng 2027 NEP.
 
Kabilang sa mga naturang proyektong may red flag ang mga walang station number, mga duplicate na proyekto, mga proyektong muling lumitaw sa 2027 NEP matapos maisama sa 2026 General Appropriations Act (GAA), mga proyektong walang coordinates, mga lump-sum na proyekto, mga nagpapatong-patong at pira-pirasong proyekto, mga proyektong hindi tinukoy ang saklaw ng trabaho, at mga proyektong magkakasalungat ang uri ng gagawing trabaho.
 
Binigyang-diin ni Gatchalian na marami pang room for improvement sa mga programa ng DPWH.

About The Author