![]()
Tiniyak ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na walang magiging special accommodation o treatment kay dating Senador Antonio Trillanes IV sakaling matuloy ang presentasyon sa kanya bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Tongol na isasantabi ang pagiging dating senador ni Trillanes at ituturing siyang ordinaryong testigo gaya ng mga naunang testigo tulad ni Davao City Mayor Sebastian Duterte.
Ipinaliwanag ni Tongol na hindi ito katulad sa pagharap sa Senado bilang legislative body na itinuturing na bisita ang mga dating senador.
Idinagdag ni Tongol na kailangan pa ring ilatag ng prosecution ang relevance ng pagtestigo ni Trillanes.
Inaasahan naman na preparado ang prosecution sa batayan ng pagpresinta kay Trillanes bilang testigo kung sakali, dahil dapat noon pa nila ito plinano at inaanunsyo sa pre-trial proceedings.
Karapatan anya ng mga abogado ng Vice President na kwestiyunin ang pagtestigo ni Trillanes kung tungkol sa bank at tax records ng Bise Presidente gaya ng pagtestigo ni Trillanes sa Kamara.
