dzme1530.ph

Loading

#MERadioTVSportsBalita | Nagtapos ang Pilipinas sa ika-anim na pwesto sa men’s artistic gymnastics team final ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games, makaraang makakuha ng kabuuang score na 227.359 points, sa Rainbow Hall ng Nagoya General Gymnasium.
 
Matapos ang anim na rotations, kinapos sa podium ang squad na pinangungunahan ng magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo.
 
Nasungkit naman ng China ang panibagong gold medal sa score na 255.095 habang nakuha ng host country na Japan ang silver, 254.026 points, at naiuwi ng Chinese Taipei ang bronze sa pamamagitan ng 239.896 points.
 
Ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ang nakapagtala ng highest individual scoring output para sa Team Pilipinas.
 
Aminado si Caloy na malayo pa talaga ang Pilipinas bilang team, subalit masaya pa rin sila dahil ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa Asian Games finals ang bansa bilang koponan

About The Author