![]()
NANAWAGAN muli si Senador Erwin Tulfo ng pananagutan at sapat na tulong para sa mga biktima at pamilya ng nasawi sa trahedya ng MV June Aster.
Sa kanyang privilege speech, kinuwestyon ni Tulfo kung sapat ang emergency equipment ng barko, ang pagsunod nito sa mga safety protocol, ang posibleng pagsakay ng hindi awtorisadong sasakyan o mapanganib na kagamitan at ang tamang passenger manifest.
Iginiit ni Tulfo na dapat tiyakin ng Maritime Industry Authority o MARINA na makatatanggap ang mga biktima ng angkop na kompensasyon at pangmatagalang psychosocial support.
Ang panawagan ng senador ay bunsod ng impormasyon na hindi nabigyan ng sapat na tulong ng operator na Atienza Interisland Shipping Lines ang mga nakaligtas at mga naulila.
