dzme1530.ph

ALAMIN KUNG ANO ANG SANHI NG SHINGLES

Loading

Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan na ang shingles o herpes zoster ay sakit sa balat na dulot ng muling pag-aktibo ng varicella-zoster virus na sanhi rin ng chickenpox.
 
Ayon sa mga doktor, kabilang sa mga sintomas ang hapdi o pananakit sa isang bahagi ng katawan, pamumula, at paglabas ng mga paltos na may laman na tubig.
 
Mas mataas ang panganib nito sa mga nakatatanda at may mahinang immune system.
 
Pinapayuhan ang publiko na agad magpatingin kapag may biglaang masakit na pantal o paltos, dahil mas epektibo ang gamutan kapag naisimula sa loob ng unang 72 oras.
 
Paalala ng mga eksperto, ito ay hindi kapareho ng chickenpox, ngunit ang taong may aktibong shingles ay maaaring makapagpasa ng virus sa mga hindi pa nagkaka-chickenpox o nababakunahan.

About The Author