dzme1530.ph

PAGDINIG NG IMPEACHMENT COURT SA KASO NI VP SARA DUTERTE, MAGPAPATULOY KAHIT IDULOG SA KORTE SUPREMA ANG RULING NG KORTE SA VOTING THRESHOLD

Loading

TINIYAK ni Impeachment Court Spokesman Atty Reginald Tongol na magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Impeachment Court sa kaso ni Vice President Sara Duterte kahit idulog na sa Korte Suprema ang naging bagong ruling sa pagdetermina ng voting threshold.
 
Sinabi ni Tongol na maaaring idulog ng sinuman sa Korte Suprema ang isyu dahil available na remedy ang petition for certiorari sa ilalim ng rule 65 ng Rules of Court.
 
Una nang sinabi nina Atty. Michael Poa at Atty Sheila Sison, ng defense team na plano nilang dalhin sa Supreme Court ang usapin.
 
Sinabi ni Tongol na ang Korte Suprema ang final arbiter sa mga usaping may kaugnayan sa interpretasyon ng konstitusyon sa pagitan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
 
Subalit nilinaw niya na kailangang maipakita na may naganap na grave abuse of discretion sa panig ng government branch na kinukuwestyon.
 
Hindi naman anya awtomatikong magpapatigil sa impeachment trial ang paghahain ng petition for certiorari.
 
Ipinaliwanag ni Tongol na nakasaad sa rule 65, ang petisyon ay hindi dapat mag-antala sa proceedings dahil ito ay interlocutory remedy.
 
Kung wala anyang ipalalabas na temporary restraining order ay magpapatuloy ang proceedings ng Impeachment Court.

About The Author